Maagang Pamasko para sa mga driver: 4M plastic cards, ibibigay na donasyon sa LTO para magamit sa lisensya

“No strings attached” ang pagbigay ng mga plastic cards ng isang grupo sa Land Transportation Office, na tinatayang kahalati na sa taunang requirement ng ahensya para sa mga driver's license nito.

Bibigyan ng isang grupo ng apat na milyong plastic card ang Land Transportation Office (LTO) bilang tulong sa ahensya sa kanilang pagbabahagi ng .

Inanunsiyo ito ni LTO chief Vigor Mendoza II, na tiniyak na “no strings attached” ang donasyon ng Philippine Society of Medicine for Drivers (PSMED).

“The medical clinic decided to make an unconditional donation of four million plastic cards to the LTO,” ani Mendoza. “Upon the approval of the transportation secretary, in two weeks the first delivery will take place and every month thereafter until the plastic cards will be completed.”

Ayon kay Mendoza, tinatayang P160 milyon ang halaga ng naturang donasyon, na halos kahalati na ng taunang pangangailangan ng ahensya.

“Our annual requirement for driver’s licenses is seven million. It will be a big saving for the government. That is why we thank the medical clinic,” aniya.

Giit rin ni Mendoza, walang hinihinging kapalit ang PSMED.

“Once we sign the deed of donation, starting tomorrow, those who will renew their driver’s licenses will be able to get (a plastic card) as we still have 600,000 cards. We can start in anticipation of the delivery sometime second week of January next year,” sabi pa ni Mendoza.