‘Luzon Corridor’ tatrabauhin ng ‘Pinas, US, Japan

Agad na nagbunga ng investment ang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, US at Japan.

Agad na nagbunga ng investment ang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, US at Japan.

Ito’y matapos ianunsyo ng tatlong bansa na isa sa kanilang mga proyekto ay ang tinaguriang Luzon Corridor.

Batay sa joint statement ng tatlong bansa, ang Luzon Corridor ay ang unang Partnership for Global Infrastructure and Investment corridor sa Indo-Pacific.

Sa naturang proyekto ay ibubuhos ang investment ng Japan at US sa mga proyekto pang-imprastraktura, clean energy, semiconductor supply chain at agribusiness. Sasakupin ng proyekto ang Subic Bay, Clark, Metro Manila, at Batangas.

“We plan to work with multilateral organizations and the private sector to attract quality, transformative investments. Together we intend to hold a trilateral event promoting investment in the Luzon Corridor on the margins of the Indo-Pacific Business Forum in Manila in May—the premier U.S. commercial event in the region,” saad sa joint statement.

“The Luzon Corridor is a demonstration of our enhanced economic cooperation, focused on delivering tangible investments across multiple sectors. Japan, the Philippines, and the United States are also partnering to expand cooperation and investments in other areas of the Philippines,” dagdag pa nito.

Matatandaang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na nakikita niyang aabot sa $100 bilyon ang iuuwing investment ng Pilipinas mula sa trilateral summit.