Lusot sa kulong basta may pambayad! Toni Fowler, nakapagpyansa matapos ipaaresto ng korte sa dahil sa diumanong mahalay na content

Pinaaresto na ng Pasay Regional Trial Court ang content creator na si Toni Fowler dahil sa malaswang music video nito, na diumano’y isang paglabag sa Cybercrime Prevention Act, ayon sa isang grupo na nagreklamo kay Fowler.

Iyon nga lang, hindi natuloy ang naturang pag-aresto dahil nakapagpiyansa siya ng P120,000 para sa patuloy niyang kalayaan.

Ang inireklamong music video ay para sa “MPL,” na una nang sinabi ni Fowler ay para lamang sa mga nakatatandang manunuod.

Ayon naman sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRB), “X” rating ang ibibigay nito sa nasabing video kung saklaw din ito ng mandato ng ahensiya.