Lusot na rin: Budget ng PCO, aprubado na ng Senado

Inaprubahan ng Senado ang P2.467 bilyong panukalang budget ng PCO nitong Lunes, Nobyembre 13.
Senate President Juan Miguel Zubiri greets Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil (left) on Monday (Nov. 13, 2023) after the approval of the agency's PHP2.467 billion proposed budget for 2024. Garafil said senators realized the importance of the agency's mandate, especially information dissemination and fighting fake news

Lusot na sa Senado ang panukalang budget para sa Presidential Communications Office (PCO) at sa mga ahensiya niyo.

Sinabi ni PCO Secretary Cheloy Garafil na ang pag-abrupa sa naturang budget ay patunay na napagtanto ng Senado ang mahalagang papel ng ahensiya.

“Natutuwa ang PCO dahil nakita ng Senado ang kahalagahan ng ginagawa ng in terms of education, information dissemination, fighting fake news. Kaya kami naman ay natutuwa dahil nadagdagan [ang budget],” saad ni Garafil.

Inaprubahan sa plenaryo ng Senado ang P2.467-bilyong panukalang budget ng PCO nitong Lunes, Nobyembre 13. Mayroon ring pangakong P250 milyon na ilalaan para sa Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) at P203.914 milyon naman para sa People’s Television Network, Inc. (PTV-4).

“Merong promise of additional budget para sa PTV-4, sa IBC-13 especially. Diyos ko, ilang dekada na ‘yung kanilang problema sa labor. So, malaking pasasalamat namin syempre doon sa aming sponsor na si Senator JV [Ejercito] and of course sa leadership of the Senate na syempre pinangungunahan ni Senate President Miguel Zubiri,” dagdag niya.

Ang problemang tinutukoy ni Garafil ay ang mga retirement benefits ng mangilang IBC-13 employees na hindi pa nababayaran.