Lumalakas pang lalo: Ugnayan ng Pilipinas at Japan, ehemplo ng patuloy na pagbabago—PBBM

Mahigit limang dekada na ang ugnayan ng Pilipinas at Japan, at patuloy itong lumalakas at lumalawig ayon kay Pangulong Marcos, na nasa Tokyo ngayon para sa ASEAN-Japan Summit.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang panayam sa mga mga mamamahayag sa Tokyo na ang ugnayan ng Pilipinas at Japan ay isang “very good example of evolution.”

Mahigit limang dekada na ang ugnayan ng dalawang bansa, at Pilipinas rin ang unang binigyan ng Japan Official Security Assistance.

Bukod sa ugnayan sa ekonomiya, malakas rin ang pagtutulungan ng Pilipinas at Japan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

“This alliance that we have come together with Japan is, again, to show, to help us rather, work together more closely. Because in the military since there is a tactical operation that we really have to train with one another,” saad ng pangulo.

Kanya naman nais ng pangulo na magkaroon pa ng mas malakas na ugnayan ang mga kaalyado ng Pilipinas, partikular na sa militar.

“The so-called interoperability between the different forces and it doesn’t… it is not sufficient actually with just Japan and the Philippines to enter into this agreement. We really must get more of these kinds of arrangements in place,” aniya.

Ang ganitong mga ugnayan, ayon kay Marcos ay tugon ng mga kaalyado nito sa mga nag-iibang pangangailan ng mga bansa ngayon.