Lumakas na siya: Jenny, ganap ng bagyo – PAGASA

Naging ganap na bagyo na si “Jenny,” at patuloy na lumalakas habang binabagtas nito ang Philippine Sea nitong Linggo, Oktubre 1, ayon sa Pagasa.

Ganap nang isang bagyo ang tropical depression na pinangalanang “Jenny,” at ito ay lalong lumalakas habang binabagtas nito ang Philippine Sea nitong Linggo, Oktubre 1.

Ayon sa 5 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si Jenny ay muling namataan 835 kilometro sa silangan ng Central Luzon.

Ito naman ay gumagalaw pa-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Sinabi ni weather specialist Daniel James Villamil na maaaring patuloy na gumalaw si Jenny hilagang-kanluran hanggang Lunes, Oktubre 2, bago ito tumahak pa-kanluran, hilagang-kanluran patungong Luzon Strait sa Martes, Oktubre 3.

Bagaman palayo ng Pilipinas, may posibilidad pa rin aniya na mag-landfall o kumilos malapis sa northern Luzon ang nasabing bagyo.

“A landfall or close approach scenario over extreme Northern Luzon is still not ruled out since these scenarios are within the forecast confidence cone,” paglilinaw ni Villamil.

Kaugnay nito, maaaring magtaas na ng mga wind signals ang ahensiya sa Linggo ng gabi.