Lugar na apektado ng El Niño tumanggap mahigit P500M tulong

Nakatanggap ng ayuda ang sampung rehiyon sa Pilipinas na lubhang naapektuhan ng El Niño.

Nakatanggap ng ayuda ang sampung rehiyon sa Pilipinas na lubhang naapektuhan ng El Niño.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagkakahalagang P541 milyon ang kanilang inilaan para sa mga pagbangon ng mga apektado.

Magtutuloy-tuloy kasi ang init hanggang sa Mayo ngayon taon, sinabi ng NDRRMC.

Kabilang sa kanilang ipinamahagi ay food packs, bigas, petrolyo, roofing sheets, generators at hygiene kits.

Ang mga rehiyon naman na natulungan ay ang Regions 2 (Cagayan Valley), Region 4-B (Mimaropa), Region 5 (Bicol), Region 6 (Western Visayas), Region 7 (Central Visayas), Region 8 (Eastern Visayas), Region 9 (Zamboanga Peninsula), Region 12 (Soccsksargen), Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao, at Cordillera Administrative Region.