LTO: Validity ng mga driver’s license, pinalawig hanggang Abril 2, 2024

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga lisensya hanggang Abril 2, 2024 para sa mga lisenyang nag-expire simula Abril 3, 2023.

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na extended ang validity ng mga lisensya hanggang Abril 2, 2024 ang mga lisensyang nag-expire simula Abril 3, 2023.

Ayon kay LTO chief Vigor D. Mendoza II, binawi na ng korte noong Miyerkules, Setyembre 6, ang temporary restraining order (TRO) laban sa LTO sa pagtanggap ng mga plastic cards na gagamitin para sa pag-print ng mga baging lisensya.

Simula noong binawi ng korte ang TRO, nakatanggap na ng 200,000 cards ang LTO. Ngunit hindi pa rin ito sapat para sa punan ang backlog, paliwanag ni Mendoza.

“Wala pa ho tayong sapat na stock para matugunan po lahat ng ating backlog, that’s why we are extending [the validity],” ani Mendoza.

Ipapaalam kaagad ng LTO sa publiko sa pamamagitan ng isang anunsyo kung kailan nakatakda ang renewal ng kanilang lisensya kapag naging sapat na ang supply ng mga card, ayon sa opisyal.

“Unang una po ang ating unang kine-cater yung OFWs natin, tapos yung mga may planong maglakbay abroad. ‘Yun ang ating priority,” dagdag pa ni Mendoza.

Tatanggapin pa rin ng LTO ang mga driver nan ais mag-renew ng kanilang lisensya, ngunit makakatanggap lamang sila ng resibong papel na may tatak na nagpapakita ng validity nito.

“Siguro pag naka isang milyon [na cards] na tayo, makakahabol na tayo. We will inform the public if we are ready to issue that plastic licenses for those who have no card,” ayon kay Mendoza.