LTO tinutulak pagrehistro sa mga e-bike, e-trike

Iminungkahi ng Land Transportation Office (LTO) ngayong Huwebes ang pagrerehistro sa mga e-bicycle at e-tricycle, gayon din ang pagkakaroon ng lisensya ng mga nagmamaneho nito.

Iminungkahi ng Land Transportation Office (LTO) ngayong Huwebes ang pagrerehistro sa mga e-bicycle at e-tricycle, gayon din ang pagkakaroon ng lisensya ng mga nagmamaneho nito.

“Our proposal is very simple as far as LTO is concerned: All light electric vehicles used in public highways, which means any roads funded and maintained by the government whether it’s local government or national government, that vehicle must be registered with LTO,” pahayag ni LTO head Assistant Secretary Vigor Mendoza sa isang consultation meeting.

“The driver of the vehicle must be licensed, which means to say at least 17 years old [with a] valid license that passes through all the process,” dagdag pa niya.

Inilahad ni Mendoza ang kanyang suhestyon isang araw matapos ilabas ng Metro Manila Council (MMC) ang ordinansa na nagbabawal sa mga e-trike at e-bike sa ilang malalaking kalsada sa National Capital Region. Nakasaad din sa kautusan na dapat may lisensya ang mga magmamaneho ng mga naturang sasakyan.

Inilabas ng MMC ang ordinansa kaugnay ng kaliwa’t-kanang reklamo sa mga e-trike driver sa social media.