LTO chief sa Kamara: Uubusin namin ang backlog ng plaka ng motor, kotse hanggang 2024

Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II, nanindigan na kaya nitong ubusin ang backlog na plaka ng motor at kotse.

Mauubos ng Land Transportation Office (LTO) ang backlog nitong plaka ng kotse at motor pagdating ng susunod na tayo, ayon sa pinuno nito.

Sa pagtalakay ng Kamara sa budget ng Department of Transportation (DOTR), tinanong ng mga mambabatas si LTO chief LTO chief Vigor Mendoza II tungkol sa status ng release ng mga plaka ng ahensiya.

Sagot ni Mendoza, nakapag-order na ang LTO, isang attached agency ng DOTR, ng 15 milyon na plaka para tugunan ang 179,000 na backlog sa plaka ng kotse at 13.2 milyon para sa plaka ng motor.

“We have ordered 15 million plates [in pairs] and these will be delivered soon. We expect this [delivery] to reduce the backlog on a month-to-month basis. But given the volume, aabutin po tayo ng by next year pa for complete backlog removal,” paliwanag ni Mendoza noong Lunes, Setyembre 4.

Kasalukuyang dinidinig ng House appropriations committee ang panukalang budget ng DOTR na nagkakahalaga ng P214.3 bilyon para sa 2024. Pinamumunuan ni Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co ang House appropriations committee.

“Rest assured, these deliveries are ongoing,” dagdag pa ni Mendoza, na iginiit na sapat pa ang kanilang kakayahan para ubusin ang backlog ng plaka.

“We are catching up. The deliveries are speeding up, 250,000 pairs for motor vehicles are delivered every month, while it reaches one million pairs for motorcycles [for the same period]. Our production capacity also increased to 32,000 pairs per day or 120,000 pairs per month,” aniya.

“We have enough allocation for this in 2024, we can already meet the backlog given the current consumption rate of LTO,” ayon kay Mendoza.