LTO chief, humingi ng saklolo sa PNP vs online scammers, fixers

Nais makipagpulong ni Land Transportation Office chief Vigor Mendoza II sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) upang makipagtulungan pang palakasin ang kampanya nito laban sa mga online scammers.

Nais makipagpulong ni Land Transportation Office chief Vigor Mendoza II sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) upang makipagtulungan pang palakasin ang kampanya nito laban sa mga online scammers.

Sa isang pahayag, inamin ni Mendoza na talamak ang mga online scammer na nambibiktima ng mga mamamayan sa pag-aalok ng mga kaduda-dugang transaction gamit ang pangalan ng LTO.

“We will enhance our partnership with the PNP-ACG to catch these scammers who are proliferating online,” ayon kay Mendoza.

Ayon sa LTO chief, determinado ang pamunuan ng ahensiya na tugisin ang mga scammer, na nag-aalok iba’t ibang serbisyo tulad ng “pagtulong” sa pagkuha sa mga plaka ng sasakyan kapalit ang malaking halaga ng pera.

“In some cases, the victim will just find out that the licenses provided by these scammers were fake. Most of these scammers on Facebook were offering their illicit service through buy-and-sell groups,” ayon sa LTO-Bicol office na nakapagtala ng ganitong insidente sa kanilang nasasakupan.

Nagbabala si Mendoza sa mga motorista na may mga indibidwal na nagpiprisintang kuhanin ang kanilang plaka kapalit ng P200 na bayad para sa serbisyo.

Iginiit ng opisyal na walang bayad ang pagbabahagi ng plaka, na nagsimula na sa ibang lugar sa bansa tulad sa Bicol region.

Ani Mendoza, kasalukuyang gumagawa ang LTO ng appointment system para sa maayos na pagkuha ng plaka. Tinitingnan rin ng kanilang pamunuan ang pakikipagtulungan sa mga mall para magkaroon doon ng mga satellite distribution site.

Hinikayat ni Mendoza ang mga LTO regional directors at mga pinuno ng district offices na gumawa ng paraan upang mapabilis ang pag-distribute ng mga plaka sa loob ng 60 na araw.