LRT-2 may libreng sakay sa Araw ng Kagitingan

Mag-aalok ng libreng sakay Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa darating na Araw ng Kagitingan sa Abril 9.

Mag-aalok ng libreng sakay Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa darating na Araw ng Kagitingan sa Abril 9.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), magsisimula ang byahe ng libreng sakay simula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

“Isang pagpupugay po sa mga beterano at sa modern-day heroes lalo na po sa sektor ng transportasyon,” saad ni LRTA Administrator Hernando Cabrera.

Samanatala, kamakailan lang ay nagbigay naman ng libreng sakay ang LRT 2 para sa paggunita ng Philippine Veterans Week.

“Ito pong libreng sakay ng LRTA ay para bigyang-pugay at kilalanin ang sakripisyo at kagitingan ng mga beterano. Nawa’y maipadama namin sa simpleng paraan ang aming pasasalamat sa inyo,” wika pa ni Cabrera.