LRT-1, 5 araw na garahe sa Semana Santa

Tigil-operasyon ang LRT-1 mula Marso 27, Miyerkoles, hanggang Marso 31 o Linggo ng pagkabuhay.

Tigil-operasyon ang LRT-1 mula Marso 27, Miyerkoles, hanggang Marso 31 o Linggo ng pagkabuhay.

Ayon sa social media post ng Light Rail Manila Corporation, ito ay para bigyang-daan ang maintenance activities ng buong linya ng LRT-1.

“LRT-1 operations from Baclaran Station to Fernando Poe Jr. Station and vice versa will be TEMPORARILY SUSPENDED from March 27 (Holy Wednesday) to March 31 (Easter Sunday),” saad sa post.

“This is to facilitate the annual preventive maintenance activities and the mandatory testing activities related to the Alstom signaling system for LRT-1 Cavite Extension project,” dagdag pa nito. “NORMAL OPERATIONS of LRT-1 will RESUME on April 1 (Monday). Salamat po sa pag-unawa. Ingat po!”

Ang huling biyahe ng LRT- 1 bago ang limang araw na suspensyon ay sa Marso 26, Martes, kung saan bibiyahe ito sa normal operating hours.