LPA namataan sa silangan ng Mindanao; inaasahang maging bagyo!

Minamanmanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa silangan ng Mindanao, labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa forecast ng PAGASA, ang LPA ay inaasahang papasok ng PAR ngayong Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga at posibleng makaapekto at mag-landfall sa Bicol Region-Eastern Visayas bandang huli ng Biyernes o Sabado.

Kapag naging tropical depression at pumasok ng PAR, papangalanan itong “Aghon.”

Ayon pa sa PAGASA, posibleng “recurve” ang LPA sa ibabaw ng Philippine Sea malapit sa Bicol Region-Eastern Visayas at maging tropical depression pagsapit ng Biyernes o Sabado.