LP kakampi sa Marcos admin sa 2025 elections?

Posibleng makipag-alyansa ang Liberal Party sa Marcos administration sa parating na 2025 senatorial elections.

Posibleng makipag-alyansa ang Liberal Party sa Marcos administration sa parating na 2025 senatorial elections.

‘Yan ang tingin ni Dr. Edna Co, dating dean ng UP National College of Public Administration and Governance.

Saad ni Co, may tsansa na maging kakampi ng Liberal Party ang kasalukuyang administrasyon.

“Politics, generally, is not about drawing lines, but of coalitions of alliances of parties and other potential political players to increase chances of winning,” saad ni Co.

Dahilan ng political analyst, may ilang issue na kung saan pareho ang stand ng LP at Marcos administration katulad na lang ng kanilang tindig sa West Philippine Sea.

“The LP has to assess what issues that the UniTeam is carrying that are also in the liberal agenda,” aniya pa.