Loyal sa Marcos admin! AFP, PNP dinedma hirit ni Alvarez

Mananatili ang suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Mananatili ang suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y matapos na himukin sila ni Cong. Pantaleon Alvarez na itigil ang kanilang suporta sa gobyerno dahil sa mga aksyon ni PBBM tungkol sa hidwaan sa China.

Sa rally sa Tagum noong Linggo, sinabi ni Alvarez na mauuwi umano sa giyera ang ginagawa ng administrasyon kaugnay sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

“If you withdraw support from him, he will have nothing else to do but step down,” hirit ni Alvarez.

Ngunit ayon kay AFP chief Gen. Romeo Brawner, mananatiling si Marcos ang kanilang commander in chief.

“The AFP remains to be a professional organization. We have a very clear mandate. We will protect the Constitution and we will follow the duly constituted authorities. In other words, we will follow the chain of command,” lahad ni Brawner.

Ganito rin ang reaksyon ng PNP, kung saan nakiusap ang kanilang spokesperson na si PCol. Jean Fajardo na huwag idamay ang mga uniformed personnel sa politika.

Aniya pa, walang basehan na bumaliktad ang kapulisan sa administrasyon.

“There is no basis right now for us to remove or withdraw support from the duly constituted authorities and we should respect this,” ayon kay Fajardo.