Love Yourself: Mensahe ni PBBM na buwan ng mga Puso

“Alagaan natin ang ating mga puso dahil walang ibang mag-aalaga diyan kung hindi ikaw lang, lalo na kung single ka.”

Sa nalalapit na Araw ng mga Puso, nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga Pilipino na matutong magmahal sa sarili.

Sa isang video message sa kanyang Instagram account, sinabi ng Pangulo na bilang isang “Bagong Pilipino” dapat ay alam natin kung paano alagaan ang sarili.

“Kaya’t ngayong Buwan ng mga Puso, ipagdiwang natin ang pagmamahal sa ating mga sarili,”sabi ni Marcos.

Sa nasabing video, makikita ang Pangulo habang nag-e-exercise sa treadmill.

“Alagaan natin ang ating mga puso dahil walang ibang mag-aalaga diyan kung hindi ikaw lang, lalo na kung single ka,” dagdag ng Pangulo.

Ang Valentine’s Day sa Ferbruary 14 ay tatapat sa Ash Wednesday na simula ng panahon ng Cuaresma.

https://web.facebook.com/reel/1445374286381019