Love the Philippines! PBBM all-out sa pagpapalawig at pagpapalakas ng turismo ng bansa

Isinasagawa na ang mga patakaran at programa na magpapaunlad sa mga kritikal na imprastraktura at ang magpapalawig pa sa kapasidad ng mga manggagawang Pilipino at negosyante upang umusbong muli ang industriya ng turismo sa Pilipinas.

Isinasagawa na ang mga patakaran at programa na magpapaunlad sa mga kritikal na imprastraktura at ang magpapalawig pa sa kapasidad ng mga manggagawang Pilipino at negosyante upang umusbong muli ang industriya ng turismo sa Pilipinas.

Iyan ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Biyernes sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 34th Philippine Travel Mart sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia Complex sa Pasay City.

Ayon sa talumpati ng pangulo na binasa ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, lubos na nagsusumikap ang gobyerno na mapabuti ang estado ng turismo sa bansa upang makatulong ito sa ekonomiya, lalo pa’t panahon ito ng tinatawag na “revenge travel.”

Kinilala rin nga pangulo ang mahahalagang kontribusyon ng maliliit na negosyante at ng mga lokal na yunit ng pamahalaan sa kanilang mga kontribusyon sa pagpapalakas at pagpapalawig ng turismo ng Pilipinas nitong mga nakaraang taon, na siya namang nakapagbigay hanapbuhay sa mahigit 5 milyong Pilipino.

“Of course, we must not overlook our local government units, the private sector, especially our micro, small and medium enterprises, whose efforts are just as indispensable to the vibrant performance of our tourism industry across the country,” sambit ni Pangulong Marcos.

Pinuri rin ni Pangulong Marcos ang DOT at ang Philippine Tour Operators Association, Inc., na aniya’y matitibay na katuwang ng gobyerno sa nation-building.