Love the Philippines nga ba? 4 na milyong turista na ang bumisita sa Pilipinas – DOT

Patunay ito na nanunumbalik na ang sigla ng turismo sa bansa, na siyang lilikha pa ng maraming trabaho at oportunidad para sa Pilipino, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Pumalo na sa apat na milyong turista ang bumisita sa Pilipinas, patunay na muling nanunumbalik ang sigla ng industriya matapos ang pandemya, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Inanunsyo ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na umabot na sa 4,005,465 turista ang dumating sa bansa mula Enero 1 hanggang Setyembre 28, sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Travel Sale Expo 2023 and the 1st Global Tourism Conference Trade Fair.

“I am very pleased to deliver the good news that today, we have managed to breach the four million mark in international arrivals into the Philippines. This has brought into our economy over Php 316 billion,” ani Frasco.

“The recovery of the tourism industry was well seen by the end of 2022, with the Philippine Statistics Authority attesting that tourism contributed 6.2 percent to our GDP and contributed no less than P1.87 trillion combined visitor receipts for international and domestic. Most importantly, this resulted in the employment of our fellow Filipinos in the number of 5.35 million tourism-related jobs,” paliwanag pa niya.

Mula sa kabuuang bilang, 91.58% o 3,668,039 ay mga bisitang banyaga, habang 8.42% o 337,426 ay mga overseas Filipinos.

Nangunguna pa rin ang South Korea sa pinakamaraming turistang nagpunta sa bansa na may bilang na 1,046,176 (26.12%), sumunod naman ang United States na may 679,090 turista (16.95%); Japan na may 221,671 turista (5.53%); China na may 194,258 turista (4.85%); at Australia na may 187,143 turista (4.67%).

Nagmula pa ang ibang turista sa Canada na may 164,168 (4.10%); Taiwan na may 146,396 (3.65%); United Kingdom na may 114,096 (2.85%); Singapore na may 107,674 (2.69%); at Malaysia na may 72,008 (1.80%).