Love, love, love! 30 milyong trabaho, malilikha sa pag-arangkada ng turismo sa bansa — DOT

Prayoridad ng Department of Tourism (DOT) ang pagtataguyod ng imprastraktura at sustainability projects para ma-enganyo ang pagpunta ng turista sa bansa.

Tinatayang higit sa 30 milyong trabaho ang malilikha sa loob ng limang taon kapag natupad ang mga proyekto ng Department of Tourism (DOT) na gawing “tourism powerhouse” ng Asya ang Pilipinas, ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco.

“The Philippines envisions itself becoming the tourism powerhouse in Asia. A few years down the road, by 2028, we foresee that tourism would have been able to employ a total of over 34 million Filipinos in the country,” sambit ni Frasco sa isang pahayag habang dumadalo ito sa Global Tourism Economy Forum sa Macao noong Biyernes, Setyembre 22.

Sinabi rin ni Frasco na prayoridad ngayon ng DOT ang sustainability at infrastructure development para anya mas maengganyo ang maraming turista na bumisita sa bansa.

“Sustainability and tourism have been an absolute necessity and the driving force of development for our country,” paliwanag niya.

Susunod rin aniya ang DOT sa digitalization at maglalabas ng isang mobile app para sa mga turista.