Love letter ni boyfriend, bokya sa proofread ng jowa

Aliw ang mga netizen sa love letter ng isang lalaki na hindi nakaligtas sa pag-proofread ng kanyang kasintahan.

Aliw ang mga netizen sa love letter ng isang lalaki na hindi nakaligtas sa pag-proofread ng kanyang kasintahan.

Humakot na ng mahigit 15,000 reactions and 6,200 shares sa Facebook ang post ni Onin Galenzoga, kung saan kanyang ibinahagi ang larawan ng kanyang love letter.

Ang love letter ay kasama ng kanyang regalo para sa kanyang kasintahan noong Valentine’s Day.

Kinaaliwan ng mga netizen kung paano itinama ng kanyang kasintahan ang mga typographical error ni Galenzoga sa liham.

“Love, this is for being so awesome! i know you deserve more. sid and i love u,” saad sa liham.

Gamit ang pulang ball pen, itinama ng kasintahan ni Galenzoga ang kanyang mga mali, gaya ng mga letra na dapat ay capital letters at ang ‘u’ sa dulo na dapat ay ‘you.’

Dagdag katatawanan din sa mga netizen ang inilagay na score ng kasintahan ni Galenzoga, na 0/10.

“’Yung nagregalo ako pero ako pa din mali!” wika ni Galenzoga sa caption.