Lotto tigil bolahan sa Mahal na Araw

Ititigil muna ang lotto draw sa mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay para sa paggunita ng Semana Santa.

Ititigil muna ang lotto draw sa mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay para sa paggunita ng Semana Santa.

Ito ay ipinahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes.

Base sa Facebook post ng PCSO, ang regular na draws ay magaganap mula Lunes Santo hanggang Miyerkules Santo ayon sa karaniwang iskedyul para sa pagbenta ng tiket.

Samantala, balik regular na muli sa kanilang mga lotto draws sa Abril 1 at sa mga susunod na araw.