Loren nilibre 500 katao sa Diwata Pares

Inilibre ni Senator Loren Legarda ang nasa 500 tao ng libreng pagkain mula sa sikat na Diwata Pares Overload food stall sa Pasay City.

Inilibre ni Senator Loren Legarda ang nasa 500 tao ng libreng pagkain mula sa sikat na Diwata Pares Overload food stall sa Pasay City.

Karamihan umano sa nabigyan ng food stubs ay ang mga vendor na naglalako sa kalsada.

Sa Instagram, ibinahagi ng senadora ang video ng kanilang pamamahagi ng pagkain sa sikat na paresan.

“Bumalik tayong muli sa Diwata Pares Overload noong Huwebes para sa part 2 ng ating pamamahagi ng good vibes at mainit na pagkain para sa ating mga kababayan!” caption ni Loren sa IG.

“500 customers ni Diwata ang nabigyan nating muli ng libreng pares, partikular ang vendors na nakapuwesto rin doon na matiyagang nagtitinda maghapon hanggang gabi,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Legarda, ang kanilang inisyatibo na ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsuporta at mabigyang pansin ang maliliit na negosyo.

“Bahagi ito ng pagsuporta natin sa maliliit na negosyo at sa mga kababayan nating nagsusumikap sa buhay. Ipagdiwang natin ang diwa ng pagkabukas-palad at pagkakaisa!” ani Legarda.

TINGNAN: