Lookout bulletin laban kay Alice Guo, inilabas ng DOJ!

Nagpalabas na ng lookout bulletin ang Bureau of Immigration laban kay laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at dating Technology and Resource Center director general Dennis Cunanan at 12 iba pang indibidwal.

Inilabas ng BI ang kautusan matapos lagdaan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Guo.

Ngayong may lookout bulletin na, mahigpit na babantayan ng BI ang bawat kilos ni Guo, at ialerto ang mga kinauukulan sa anumang tangka ng suspendidong mayora na lumabas ng bansa.

Mananatili ang lookout bulletin habang humihiling pa ang DOJ ng Hold Departure Order (HDO) mula sa Korte.