Look out bulletin vs Quiboloy, ilalabas!

Maglalabas ang otoridad ng Immigration Lookout Bulletin order (ILBO) laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Maglalabas ang otoridad ng Immigration Lookout Bulletin order (ILBO) laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang inanunsyo ni Justice Secretary Boying Remulla ngayong Lunes sa isang pulong-balitaan.

Kasunod ito ng utos ng Department of Justice (DOJ) sa Davao Prosecutors Office na kasuhan si Quiboloy at iba pa ng qualified human trafficking at child abuse kaugnay ng pang-aabuso umano nito sa isang 17 anyos na babae noong 2011.

Ayon kay Remulla, ang ILBO ay magagamit upang mamonitor ang kilos ni Quiboloy at pigilan ang kanyang paglabas ng bansa.

Si Quiboloy, dating spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay wanted sa Estados Unidos sa kasong human trafficking.

Kamakailan ay naglabas din ng subpoena ang Senado at Kamara laban sa pastor hinggil sa mga pagdinig kaugnay ng mga reklamo laban sa kanya at sa TV network niyang SMNI.