Long weekend uli! PBBM, dineklarang holiday ang BSKE sa Oktubre 30

May sapat na pagkakataon na ang mga Pilipino na bumoto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30 nang ideklara itong special nonworking holiday ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kahilingan na rin ng Comelec.

Pinaunlakan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahilingan ng Commission on Elections (Comelec) na gawing holiday ang Barangay at Sangguniang Kabataang elections (BSKE) na gaganapin sa Lunes, Oktubre 30.

Sa isang opisyal na pahayag na ibinigay nito sa GMA Integrated News, sinabi ni Comelec chairperson George Garcia na naghahain ang ahensiya ng pormal na request sa Malacañang na ideklara ang Oktubre 30 bilang isang holiday.

Agad naman itong inaksiyunan ng pangulo, na ibinaba ang Proclamation No. 359 na nagdedeklara sa Oktubre 30 bilang special nonworking holiday. Paliwanag ng proklamasyon, ginawang holiday ang BSKE upang mabigyan ng sapat na pagkakataon ang mga mamamayan na bumoto sa naturang halalan dahil ito ay isa sa mga karapatan nila.

Ang botohan sa BSKE ay gaganapin mula 7:00 a.m. hanggang 3:00 p.m. lamang.

ss 1