Lola sa CamSur, umabot sa edad 100!

Ganap nang centenarian ang isang lola sa Camarines Sur matapos siyang magdiwang ng kanyang 100th birthday.

Ganap nang centenarian ang isang lola sa Camarines Sur matapos siyang magdiwang ng kanyang 100th birthday.

Sa ulat ng Balitambayan, binahagi ang kwento ni Felicidad Collantes Caguimbal, na isinilang noon pang March 1924.

Sa kanyang edad na 100, nakakalakad pa si Lola Felicidad at matalas pa rin ang memorya nito.

Si Lola Felicidad ay nagkaroon ng 12 anak at 32 na mga apo.

Ayon sa lola, tanging isda at kanin lang daw ang kanyang kinakain.

Bilang centenarian ay natanggap na ni Lola Felicidad ang kanyang P100,000 na regalo mula sa gobyerno.

Pinangakuhan din ito ng P50,000 ng Camarines Sur government dahil sa pananatili nitong malakas sa kabila ng kanyang edad.