Lockdown sa Cavite City dahil sa pertussis, fake news!

Mariing pinasinungalingan ng Cavite City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang kumakalat na balita ukol sa pagkakaroon umano ng lockdown sa naturang lugar dahil sa sakit na pertussis.

Mariing pinasinungalingan ng Cavite City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang kumakalat na balita ukol sa pagkakaroon umano ng lockdown sa naturang lugar dahil sa sakit na pertussis.

Sa Facebook, sinabi ng CESU maging maingat sa mga maling impormasyon, lalo na mula sa mga hindi verified na online platform.

Kamakailan kasi ay may kumakalat na Facebook post, na may tatak ng Department of Health at ng provincial government ng Cavite, na mayroon ng ilang kaso ng sakit sa lugar.

Ayon sa CESU, wala pa naman umanong kumpirmadong kaso sa lugar.

“Inaanyayahan namin ang lahat ng magbasa at kumuha lamang ng mga tamang impormasyon sa mga lehitimong FB pages, partikular na sa CESU Cavite City FB page para sa tama at wastong mga impormasyon lalo na sa mga sakit pandemya, outbreak, clustering at iba pa,” pahayag ng CESU.

Dagdag pa ng CESU, maaaring maharap ang nagpapakalat ng pekeng impormasyon sa kasong paglabag sa Republic Act 11332 Law on Reporting of Communicable Diseases.