Liza pinusuan pagsasampa ni Bea ng kaso vs Ogie, Cristy

Nagpahiwatig ng pagsuporta si Liza Soberano sa pagsasampa ni Bea Alonzo ng kasong cyberlibel laban sa mga showbiz insider na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Nagpahiwatig ng pagsuporta si Liza Soberano sa pagsasampa ni Bea Alonzo ng kasong cyberlibel laban sa mga showbiz insider na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Ilang netizen na matatalas ang mata ang nakapansing ibinahagi ni Liza ang post ng Fashion PULIS hinggil sa balita na nagsampa ng kaso si Bea.

Bukod pa rito, pinusuan din ni Liza ang naturang post.

Napaisip naman ang mga netizen sa naturang aktibidad ni Liza sa social media. Matatandaang dati niyang talent manager si Ogie.

Samantala, dinamay rin ni Bea sa mga kaso ang mga co-host nina Cristy at Ogie sa kani-kanilang palabas sa social media.

Batay sa reklamo ni Bea, inatake ang aktres ng mga malisyoso at maling impormasyon mula sa dalawang showbiz insider.