Liza Marcos walang plano maging senador!

Tinawanan lang ni First Lady Liza Araneta Marcos ang mga tsismis na balak niyang pasukin ang Senado.

Tinawanan lang ni First Lady Liza Araneta Marcos ang mga tsismis na balak niyang pasukin ang Senado.

Sa panayam ni Anthony Taberna sa Unang Ginang, kinontra niya ang usap-usapang tatakbo siya para maging senador.

Aniya, hinaluan ng intriga ang kanyang medical outreach program na ‘Lab for All”.

“My favorite is, ‘Oh I’m doing Lab for All because I’m going to run for Senate.’ Pati ba naman ‘yan nilagyan ng [malisya],” giit ni Marcos.

Aniya pa, malabo siyang makatakbo dahil matagal siyang naging unregistered voter.

“I teach election law. Alam mo kayo, hindi ako registered voter. Mag-isip naman kayo ng konti ‘di ba?” hirit ng First Lady.

“If I’m not a registered voter, how can I run in either? So this one is chicken feed,” lahad pa niya.

Nitong 2022 lang umano siya nagparehistro kasabay ng presidential elections.