Liza Marcos umaming masama loob kay VP Sara: Bad shot na sakin ‘yan!

Inamin ni First Lady Liza Marcos na mayroon siyang sama ng loob kay Vice President Sara Duterte dahil sa pagdalo nito sa isang anti-Marcos rally na pinangunahan ng kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam ng batikang brodkaster na si Anthony Taberna, sinabi ni Liza na nasaktan siya sa naging presensya ni Sara sa nasabing rally kung saan pinaratangan ng dating pangulo na adik ang kanyang asawa na si Panglong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Bad shot na ‘yan sa akin,” pahayag ng Unang Ginang.

“For me, nasaktan ako eh. My husband would do everything to protect you. You ran together, ‘diba? Sama-sama tayong babangon muli. Tapos pupunta ka sa rally, tatawagin ‘yung Presidente mong bangag, ‘diba? You’re going to laugh. Tama ba ‘yon? Even Leni (Robredo) never did that,” dagdag pa niya.

Usap-usapan sa social media ang umano’y pangi-isnub ni Liza kay Sara sa mga presidential events kung saan present silang dalawa.