Liza Marcos pinagpag lang banta ni Glenn Chong

Hindi nasindak si First Lady Liza Marcos sa banta sa kanya ni Atty. Glenn Chong.

Hindi nasindak si First Lady Liza Marcos sa banta sa kanya ni Atty. Glenn Chong.

Matatandaang nitong Marso ay sinabi ni Chong na sasampalin niya ang First Lady dahil napako ang pangako nitong bibigyan siya ng posisyon sa gobyerno.

Bukod pa rito, may akusasyon din si Chong na pandaraya ng mga Marcos noong halalan 2022.

Sa panayam ni Anthony Taberna, binalewala lamang ng First Lady ang banta ni Chong.

“My first reaction was, ‘di ba, you’re an officer of the court? And then he says we cheated. Pero nandoon siya noong counting. Nandoon siya, he was part of our election team. So why do you wait one year to say we cheated? Eh, nandoon ka, eh. Every meeting nandoon ka,” saad ni FL Liza.

“You know, they say you’re the size of your enemy? Hayaan mo na siya. I hope he wins for I don’t know what– for congressman, or governor, or whatever,” dagdag pa nito.

Matapos ang banta ni Chong kay First Lady Liza ay kinalampag siya ng ilang kongresista, na inatasan siyang mag-public apology dahil sa kanyang pahayag.

Hanggang ngayon ay wala pang public apology si Chong sa First Lady.