Liza Marcos hinamon mga basher: ‘Bring it on honey’

Binalewala ni First Lady Liza Marcos ang mga binabatong issue sa kanya at sa asawa niyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Binalewala ni First Lady Liza Marcos ang mga binabatong issue sa kanya at sa asawa niyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ni Anthony Taberna, inihayag ng First Lady na hindi siya bababa sa level ng kanyang mga hater.

“Bring it on honey, you’re the size of your enemy. You’re not my enemy like I said,” saad ni FL Liza.

“I will never stoop [down] to that level. I will never stoop [down] to that,” dugtong pa niya.

Ayon pa sa First Lady, naniniwala siyang darating ang karma sa mga bumibira sa kanyang pamilya. Hindi rin umano siya basta-basta napipikon sa mga kritiko.

“Every time they say that they become uglier and uglier. So look at that their face. ‘Di ba, tayo cute pa din tayo. What a life. Bring it on. There’s such a thing as karma,” aniya.

“I don’t get pikon in the sense that it’s really stupid na (already) what they’re doing. They’re not even sophisticated, ‘di ba?” wika pa ng First Lady. “I get pikon when they hurt my sons.”

Sa kabila ng kanyang propesyon bilang abogada, hindi umano siya magaaksaya ng panahon sa pagsasampa ng kaso sa mga bumabatikos sa kaniyang pamilya.

Naniniwala umano siya na mananahimik na lang ang kanilang mga kritiko pagkatapos ng termino ni Pangulong Marcos.