Liza Diño tinuluyan ng kaso showbiz site na PEP

Kinasuhan ni dating Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño ang isang online showbiz website ng cyber libel.

Kinasuhan ni dating Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño ang isang online showbiz website ng cyber libel.

Sa Facebook post ni Diño, makikita na nagsampa ng reklamo ang misis ni Ice Seguerra sa Office of the Prosecutor sa Quezon City sa website na PEP.

78 counts ng cyber libel ang sinampa ni Diño laban sa naturang showbiz portal.

Nag-ugat ang reklamo dahil sa artikulo na inilabas noong nakaraang taon na inatake umano ang pagkatao ni Diño.

“Matagal kong pinag-isipan ito. It took almost a year of endless discussions with my husband and family because this decision is difficult to make. The entertainment industry revolves around public opinion and by doing something like this, people might judge me all over again,” giit ni Diño.

“I have decided to fight back and reclaim my name and reputation through a system that is impartial to their great power and influence,” aniya pa.

Wala pa namang pahayag ang PEP hinggil sa kasong isinampa ni Diño.