Lindol sa Surigao: Higit 1.7K na aftershock, naitala ng Phivolcs

Dalawang araw matapos yanigin ng 7.4-magnitude na lindol ay patuloy na nakakaramdam ang Surigao del Sur ng mga malakas na afteshock.

Umabot na sa mahigit 1,700 na aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Surigao del Sur matapos yanigin ito ng 7.4-magnitude na lindol noong Sabado ng gabi, Disyembre 2.

Sa mga naitala nitong aftershocks, sinabi ng Phivolcs na 340 ay naitala sa hindi bababa sa tatlong seismic stations.

Ang mga nasabing aftershocks ay may iba’t ibang lakas, mula magnitude 1.4 hanggang magnitude 6.6, ayon na rin sa Phivolcs.

Karamihan sa mga malalakas na aftershocks na naitala ay naganap rin ilang oras matapos ang 7.4-magnitude na lindol na unang yumanig sa Surigao del Sur.

BASAHIN RIN: Ingat po tayo, kabayan! Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Tsunami warning na ipinalabas matapos ang pagyanig, binawi na rin