Linawin na natin, once and for all! PBBM: Tuloy ang pagbuo ng Maharlika Investment Fund.

Panandalian lamang ang suspensyon sa pagpapatupad ng implementing rules and regulation ng Maharlika Investment Fund, ayon sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuloy ang pagpapatupad sa pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) at nais ng gobyerno na itaguyod ang organisasyon nito bago matapos ang kasalukuyang taon.

“I was a bit alarmed by the news reports early this morning that I read in the newspapers that we have put the Maharlika Fund on hold. Quite the contrary,” sinabi ni Pangulong Marcos bago lumipad papuntang Riyadh, Saudi Arabia para lumahok sa 2023 ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit.

“We are, the organization of the Maharlika Fund proceeds apace, and what I have done though, is that we have found more improvements we can make, specifically to the organizational structure of the Maharlika Fund,” aniya.

Giit ng Pangulo na ang suspension sa pagpapatupad ng IRR ay panandalian lamang.

“On the contrary, we are just finding ways to make it as close to perfect and ideal as possible, and that is what we have done,” ayon sa Pangulo.

“This has been in consultation not only with our economic managers but also with the people, the personalities who will actually be involved in the fund. And that’s why their inputs had been very important and that is why we are going to now utilize them to make it a better organization,” paliwanag pa ng Pangulo.