Liga ng basketbol, nauwi sa rambol!

Nagrambulan ang mga manlalaro at maging mga manonood sa isang liga ng basketbol sa Iloilo City.

Nagrambulan ang mga manlalaro at maging mga manonood sa isang liga ng basketbol sa Iloilo City.

Ayon sa ulat, championship game ng naturang liga kaya’t naging mahigpit ang labanan.

Sa tindi ng nangyaring rambol, kahit mga opisyal ng barangay ay walang nagawa para humupa ang gulo.

Natigil na lang ang away ng may magpaputok ng baril ng dalawang beses.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pinag-ugatan ng away.