Lider ng daw ng oposisyon? Harry Roque sumawsaw sa pag-resign ni VP Sara

"The Philippines finally has a real leader." — Ito ang reaksyon ni dating Presidential spokesperson at former senatorial candidate Harry Roque sa paglayas ni Vice President Sara Duterte sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“The Philippines finally has a real leader.” — Ito ang reaksyon ni dating Presidential spokesperson at former senatorial candidate Harry Roque sa paglayas ni Vice President Sara Duterte sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, ngayong bumitaw na sa pwesto bulang education secretary si VP Sara ay opisyal na ring nalusaw ang tambalang UniTeam at siya na ang magiging leader ng oposisyon.

“VP Sara has just resigned as DepEd Secretary and as Vice – Chair of NTF-ELCAC. Uniteam has formally been dissolved and she has just become the leader of the opposition. The line has been drawn! The Philippines finally has a real leader. Onwards to Transparency, Accountability, Peace and Security! Let’s redeem the Philippines!” saad ni Roque sa kanyang Facebook page.

Nabuo ang UniTeam bilang plataporma ng tambalang Marcos at Duterte noong 2022 National Elections.

Wala pang dalawang taon ay agad na nalusaw ang alyansa na hindi man lang umabot ng 2025 – ang sunod na senatorial elections.