Libreng legal counsel, handog ng PNR sa mga kababaihan ngayong Marso

Bilang paggunita sa National Women's Month ay magbibigay ng libreng legal counsel ang Philippine National Railways (PNR) sa mga babae nitong empleyado at pasahero.

Bilang paggunita sa National Women’s Month ay magbibigay ng libreng legal counsel ang Philippine National Railways (PNR) sa mga babae nitong empleyado at pasahero.

Ayon sa pahayag ng PNR ngayong Huwebes, ang serbisyo ay mahahanap lamang sa Tutuban Station ng PNR, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Marso 8, 15, at 22.

“Ang libreng legal consultation ay bilang pakikiisa ng PNR sa selebrasyon ng National Women’s Month na layong kilalanin at pahalagahan ang karapatan ng bawat kababaihan,” saad sa pahayag ng PNR.

Para ma-avail ang handog na serbisyo, maaaring mag-register sa link na ito: https://bitly.ws/3fboZ