Libreng entrance exam laking ginhawa sa mga estudyante — Romualdez

Magiging malaking ginhawa para sa mga estudyante ang bagong batas na libreng entrance exam para sa mga kapos na estudyante na papasok sa kolehiyo.

Magiging malaking ginhawa para sa mga estudyante ang bagong batas na libreng entrance exam para sa mga kapos na estudyante na papasok sa kolehiyo.

Ito ang ipinahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ukol sa pagkilala ng gobyerno sa accessible education para sa lahat.

Ayon kay Romualdez, layon ng batas na ito na bigyang pag-asa ang mga mag-aaral na tapusin ang kanilang kolehiyo para sa kanilang kinabukasan.

“It is our hope that this will inspire more students to strive for academic excellence, knowing that their financial background will not be a barrier to their aspirations,” wika ni Romualdez.

“By waiving entrance exam fees, we are removing a significant hurdle that prevents many talented and deserving students from pursuing their dreams of higher education,” dagdag pa nito.

Naisabatas ang Republic Act (RA) 12006, o ang Free College Entrance Examinations Act noong Hunyo 14.

Ipinag-uutos nito sa mga pribadong kolehiyo na magbigay ng libreng entrance exams sa mga “disadvantaged students” na may malaking potensyal na makapagtapos.