Libreng bus ride para sa kababaihan, ikinasa ng PCG

Bilang paggunita sa National Women's Month ay magbibigay ng libreng sakay sa bus ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga kababaihan sa piling mga araw ngayong Marso.

Bilang paggunita sa National Women’s Month ay magbibigay ng libreng sakay sa bus ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga kababaihan sa piling mga araw ngayong Marso.

Sa Facebook post ng PCG, sakop ng libreng sakay ang ruta na mula PITX pa-Cubao, at vice-versa. Ang serbisyong ito ay epektibo sa Marso 6, 13 at 20.

Ayon sa PCG, ang programa ay naglalayong mabigyan ng pansin ang kontribusyon ng kababaihan sa lipunan ngayong Women’s Month.

“The Philippine Coast Guard extends its support by offering free bus rides to women throughout March. Recognizing the invaluable contributions of women to society, this initiative aims to empower and celebrate their achievements,” saad sa post ng PCG.