Libreng breast cancer test ilalarga sa Hunyo

Tangka ng Department of Health (DOH) na masimulan sa Hunyo ang libreng mammography at ultrasound na siyang susi upang agad na matuklasan kung ang tao ay may breast cancer.

Tangka ng Department of Health (DOH) na masimulan sa Hunyo ang libreng mammography at ultrasound na siyang susi upang agad na matuklasan kung ang tao ay may breast cancer.

Ito ay matapos aprubahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagsama sa mammography at ultrasound sa mga benepisyo nito.

“President Marcos and Speaker Romualdez want better health benefits for our people. Their marching orders are my instructions to PhilHealth. It is the pleasure of the Board to now bring up primary care benefits with mammogram and ultrasound services not just in sandbox sites, but nationwide,” pahayag ni DOH Secretary Ted Herbosa.

Bukod pa rito, tinaasan din ng PhilHealth ang kanilang Konsulta package sa P1,700 kada pasyente bawat taon. Target din umano ng PhilHealth na gawing epektibo ngayong Hunyo ang pinataas na Konsulta package.

Samantala, pinuri naman ni House Speaker Martin Romualdez ang mabilis na aksyon ng PhilHealth sa libreng breast cancer testing. Isa si Romualdez sa mga nagpanukala ng pinalawak na benepisyo para sa mga PhilHealth member.

“Early detection is key in addressing various health concerns, and by removing financial barriers to these essential services, PhilHealth is helping to save lives and promote a healthier future for our women,” saad ni Romualdez.