Libreng annual check up para sa lahat ng ‘Pinoy, isinusulong

Isang panukala ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong magbigay ng libreng taunang medical check-up sa lahat ng Pilipino.

Isang panukala ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong magbigay ng libreng taunang medical check-up sa lahat ng Pilipino.

Ayon kay Bicol Saro Partylist Brian Raymund Yamsuan, sa ilalim ng House Bill 1785 o Free Annual Medical Checkup Act ay bibigyan ng checkup ang lahat ng Pilipino na miyembro ng PhilHealth alinsunod sa Universal Health Care Law.

“In the long run, the investment in extending this free checkup benefit would lead to the government spending less in providing treatment for life-threatening ailments such as diabetes and heart disease, as many Filipinos would have the opportunity to be diagnosed and treated early before their conditions worsen,” sabi ni Yamsuan, co-author ng HB 1785.

Sakop ng panukala ang pagbibigay ng libreng cholesterol at blood sugar tests, at iba pang test na maaaring ibigay ng PhilHealth depende sa pondo nito.

Ayon kay Yamsuan, sa kabila ng implementasyon ng Universal Health Care Law at ilang hakbang para pagbutihin ang Philippine health care system, marami pa rin aniyang Pilipino ang namamatay sanhi ng mga sakit na maaaring maiwasan.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino ay ischemic heart disease, neoplasms (e.g. cancer), cerebrovascular diseases (e.g. stroke, aneurysm), diabetes mellitus, at pneumonia.

Mayroon umanong hiwalay na ulat na nagsasabi na anim sa bawat 10 Pilipino ang namatay ang hindi nakikita ng doktor, giit ni Yamsuan.