LGUs hinimok: Pondo para sa seniors, PWDs, dagdagan!

Hinimok ni National Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang mga local government unit (LGU) na maglaan ng mas malaking pondo sa mga programa para sa mga senior citizens, mga bata, at persons with disability o PWDs.

Sa ilalim ng 2025 National Budget, umaabot sa 1.03 trillion pesos ang paghahati-hatian ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Villafuerte, magbibigay daan ito para magkaroon ng fiscal space ang mga LGU na gumastos ng mas malaki sa taong 2025 upang pondohan ang mga programa na makakatulong sa mga naturang sector.

“Hence, our local executives will have fiscal space to spend bigger in 2025 on their development programs, as well as on PPAs (programs, projects and activities) for the benefit of our elderly, PWDs, women and for the protection of our children, among others,” ani Villafuerte.

Dagdag ni Villafuerte, maliban sa NTA may mga LGU na nakakatanggap ng special share sa kita ng pamahalaan mula sa nakokolektang excise taxes.