LGUs hinimok na mas tugunan ang mental health problem

Hinimok ng Philippine Mental Health Association ang mga local government units na magpasa ng mga ordinansa upang tugunan ang lumalalang problema ng mental health problem sa bansa.

Isa na sa mga common disabilities ngayon sa bansa ang mental illness, na nakakaapekto sa may 3.6 milyong Pilipino, ayon sa Philippine Mental Health Association (PMHA).

Dahil dito, hinimok ng PMHA ang mga local government units (LGUs) na magpasa ng mga ordinansa para tugunan ang lumalaking problemang ito.

“Mental health ordinances will complement the Philippine Mental Health Law and localize response to prevent suicide, boost diagnosis and treatment of persons with mental health needs, and combat stigma,” paliwanag ni PMHA national executive director Dr. Carolina Uno-Rayco sa isang pahayay niyong Miyerkules, Oktubre 4.

Ipinasa ang Philippine Mental Health Law noong 2018, at inaatasan nito ang mga LGU na magbaba ng kani-kanilang patakaran upang matulungan ang mga nakakaranas ng mental health issues.

“Our work is cut out for us. Removing barriers to mental health services through localized interventions needs commitment from everyone in the community,” dagdag pa ni Uno-Rayco.