LGBTQIA+ community ng Sto. Domingo, rumampa sa pista ng bayan

Pangarap na natupad para sa LGBTQIA+ community ng bayan na makilahok sa grand parade para sa kapistahan.

ALBAY – Makulay at masayang ipinagdiwang ng mga Domingueño ang kanilang kapistahan ngayong taon.

Nitong Sabado, September 30, 2023 nang idinaos ang Drum and Lyre Exhibition na dinaluhan ng iba’t ibang grupo. Isa sa pinaka nagbigay kasiyahan sa mga manonood ay ang baton exhibition ng gay majorettes ng naturang bayan.

Ayon sa leader ng grupo na si Carla Balderama, labis ang kanilang kagalakan dahil pangarap lamang nila dati na makasama sa parade.

Ikinatuwa naman ni Sto. Domingo Mayor Jun Aguas na kahit simple diumano ang kanilang selebrasyon ngayong taon, naging matagumpay naman ito.

Aniya pa, mahal niya ang LGBTQ+ Community kaya dapat lamang itong bigyan ng puwang sa komunidad.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng bayan ang mga aktibidad para sa Holiday Season.