LGBTQIA+ basketball exhibition, tampok sa pagwawakas ng pista sa Sto. Domingo

Inaliw ng mga manlalaro ang crowd sa mga tumbling, back flip, at pagrampa sa loob ng hard court.

ALBAY – Kinaaliwan ng mga manonood ang Basketball Exhibition Game ng mga miyembro ng LGBTQ+ Community nitong Huwebes sa bayan ng Sto. Domingo.

May naglarong naka-dress, naka-boots, naka-bra at naka-make up pa.

Bago ang laro, nagpagalingan muna sa pagrampa, cartwheel at backflip ang mga kasaling gay players.

Ang exhibition game ay ginawa sa Potenciano Gregorio Recreation and Cultural Center sa naturang bayan.

Bahagi ang aktibidad sa kapistahan ng bayan.

Ayon kay Sto. Domingo Mayor Jun Aguas, ito rin ang kanilang paraan upang madama ng LGBTQ Community na sila ay pinapahalagahan at nirerespeto.

Samantala, sa darating na Sabado, September 30, 2023, idadaos naman ang Town Fiesta Grand Parade.