Let’s volt in! DFA ibinandera ang sanib-pwersa ng PH, US, Japan

Nagpulong kamakailan ang mga kinatawan ng Pilipinas, Estados Unidos, at Japan upang talakayin ang posibleng trilateral cooperation ng tatlong bansa.

Maaaring magkaroon ng trilateral cooperation ang Pilipinas, Estados Unidos, at Japan matapos makipagpulong sa Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay US Secretary of State Antony Blinken at Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa sa United Nations General Assembly sa New York.

“Glad to meet with @SecBlinken and our new counterpart from Japan, FM @Kamikawa_Yoko during #UNGA798. We had a brief but fruitful discussion on possible trilateral (Philippines, US, and Japan) cooperation @DFAPHL,” pahayag ni Manalo sa isang post sa X (dating Twitter).

Sinabi ni Blinken na may magandang benepisyong maidudulot ang trilateral cooperation hindi lang para sa Pilipinas, US, at Japan, kundi pati na rin sa rehiyon at sa iba pang mga kaalyado nito.

Ang nasabing pulong ay ang ikalawa nang pagpupulong ang mga kinatawan ng tatlong bansa matapos ang trilateral meeting nina Manalo, Blinken, at ni dating Japanese Foreign Minister Hayashi Yoshimasa sa Jakarta, Indonesia nito lamang Hulyo.

Matatandaang nagpulong rin noong Hulyo sa Indonesia sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., US Vice President Kamala Harris, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.