LET passer inalay pagpasa sa pumanaw na lola

Dumaan sa matinding pagsubok ang isang licensed professional teacher para maipasa ang kanyang licensure exam.

Dumaan sa matinding pagsubok ang isang licensed professional teacher para maipasa ang kanyang licensure exam.

Kwento ni Mariel Esteron, Bachelor of Elementary Education graduate mula PUP Bataan, muntik na siyang sumuko sa pagkuha ng licensure exams for teacher (LET) dahil sa sobrang stress dulot ng pagpanaw ng kanyang lola.

Aniya, araw-araw siyang umiiyak at walang pumapasok sa kanyang isip dahil sa pagluluksa at matinding kalungkutan.

“Sobrang lungkot talaga to the point na hindi ko na nafifeel yung sarili ko at palaging umiiyak. Sa buong review ko, wala talagang pumapasok sa isip ko. Clouded utak ko at the same time sobrang bigat talaga ng kalooban ko,” kwento ni Mariel sa isang Facebook post.

Kaya naman sa kanyang pagpasa sa LET, inalay niya ito para sa kanyang Lola Edith.

“Ang sakit isipin na hindi na niya makikita itong achievement ko na ito. Pero alam kong kasama ko siya magmula noong una hanggang sa pagtake ko. Alam kong nandiyan lang siya para sa akin. Kasi hindi niya ako hahayaan at papabayaan,” saad ni Mariel.

“Nanay, para sa iyo ‘to lahat. Hindi mo man ito nakita pero alam kong nakikita mo ito sa langit. Nanay, LPT na po ako,” aniya pa.