Leonardo DiCaprio nakiisa sa panawagang protektahan Masungi

Nakiisa na rin si Oscar winner at environmental advocate Leonardo DiCaprio sa panawagan na protektahan ang Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.

Nakiisa na rin si Oscar winner at environmental advocate Leonardo DiCaprio sa panawagan na protektahan ang Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.

Sa Instagram post, isinalaysay ni DiCaprio kung paano sinira o illegally deforested ang Masungi noong 1990s at kung ano ang ginawa ng komunidad para maibalik ito sa dati.

“From these conservation initiatives, trees were able to grow taller, wildlife numbers slowly increased, and more locals became involved in protecting this ecosystem,” pahayag ni DiCaprio.

Ipinost din ni DiCaprio ang litrato ng sikat na hiking site.

“Masungi’s success is in jeopardy, as the Department of Environment and Natural Resources threatens to cancel the agreement that protects this area from prolific land grabbing activities,” pahayag ni DiCaprio.

“This cancellation would set back the success of an internationally acclaimed conservation effort and leave the area vulnerable again to mining, logging, and illegal developments,” dagdag ng aktor.

Naka-tag sa post ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at nanawagan na makialam at patuloy na protektahan ang Masungi.

“Conservation successes like Masungi serve as a reminder that the Philippines can become a leader in sustainability, eco-tourism, biodiversity protection, and climate action,” sabi ni DiCaprio.

Base sa pahayag ng Masungi, nanganganib ang lugar na masira dahil sa sinabi ni Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga naa kanselahin ang 2017Memorandum of Agreement sa pagitan ng Masungi Georeserve Foundation at DENR.

TINGNAN: